Recent Posts

Breaking News

Face mask hinango sa lava gown ni Catriona

Gumagawa na rin ng ‘lava face mask’ si Mak Tumang, ang fashion designer ng iconic lava gown ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Batay ang lava gown sa Bulkang Mayon sa Albay, na siyang home province ni Gray.

Sa Instagram, sinabi ni Tumang na nagkakahalaga nang ₱1,500 ang apat na piraso ng Lava masks sa foldcote bag, habang ₱2,000 naman ang Lava box set.

Ang Lava Luxe, o isang piraso ng beaded mask sa signature box, ay nagkakahalagang ₱25,000.

Tanong ng isang netizen, “Magiging kamukha ko ba si Catriona pag suot ko to?”

“Sana ang proceeds mapunta sa maganda. Pero para pagkakitaan lang, parang may mali,” ayon naman sa isa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/face-mask-hinango-sa-lava-gown-ni-catriona/)

Walang komento