Recent Posts

Breaking News

Explosive natagpuan sa Batangas

Ligtas na naalis ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang isang pampasabog na naispatan malapit sa isang barko sa Batangas.

Kuwento ni Batangas Port station commander Captain Geronimo Tuvilla, 7:55 ng gabi nitong Hulyo 18, nakatanggap ng ulat ang Coast Guard Batangas (CGB) mula sa kapitan ng “MV Ignatius of Loyola” na may nakita silang kakaibang bagay na nakapatong sa kanilang kanan na angkla habang umaatraka sa pantalan ng Port of Batangas at naghihintay ng pasakay na pasahero at kargamento patungong Caticlan Port.

Agad na nag-organisa ang mga tauhan ng CGB, at kanilang Coast Guard K9 Explosive Ordnance and Disposal at Special Operations Force EOD para beripikahin at rumesponde sa insidente.

Nang maberipika, nabatid ng grupo na ang kakaibang bagay ay isa palang projectile 155 millimeter, high explosive ng unexploded ordinance.

Dahan-dahang isinagawa ng nasabing mga miyembro ang kanilang operasyon para sa nasabing delikadong bagay, at nagtagumpay sila.

“Dahil sa magandang paghawak ng sitwasyon at kahanga hangang lakas ng loob sa pagsagawa ng operasyon, ligtas na natanggal at nailayo sa nabanggit na barko at sa Port of Batangas ang unexploded ordnance upang makabyahe ng maayos at ligtas ang mga kalakal at otorisadong byahero paalis ng Batangas Port,” lahad pa ni Tuvilla.

Sa ngayon, hindi pa aniya matiyak ang eksaktong pinanggalingan ng pampasabog.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/explosive-natagpuan-sa-batangas/)

Walang komento