Recent Posts

Breaking News

Ex-SexBomb dancer dyowa ng trans man

Pinatunayan ng isang dating SexBomb dancer na hindi nababase sa kasarian ang tunay na pagmamahal.

Sa pagbabalik ni Louise Bolton sa ‘Eat Bulaga’, pinakilala ito bilang dyowa ng trans man na kasali sa ‘Bawat Judgmental’ segment nitong Sabado.

Ayon kay Louise, apat na taon na sila ng kanyang partner na si Dan Padilla, na nakilala niya noong hindi pa ito nagta-transition bilang trans man.

Aniya pa, siya mismo ang nagtuturok ng testosterone kay Dan para sa transition nito.

“Support ako sa ‘yo sa kahit anong mangyari, sa lahat ng gusto mong gawin. At siyempre ang pinagpe-pray ko lagi, happy ka. Maging happy ka lang palagi.” sweet na message ni Louise sa kanyang dyowa.

“Support lang ako sa ‘yo kahit magulo na ‘yung mundo. Nandito lang ako,” tugon naman ni Dan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ex-sexbomb-dancer-dyowa-ng-trans-man/)

Walang komento