Recent Posts

Breaking News

Ex-mayor Abalos: Gamot ni Bongbong mabisa sa COVID

Dapat na bang isama sa clinical trial ang gamot na binida ni dating Senador Bongbong Marcos?

Ayon kay ex-Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos Jr., wala na siyang nararamdaman na sintomas ng COVID-19 matapos inumin ang Chinese medicine na binigay ni Marcos.

“Without waiting for the swabbing, I immediately took the Chinese meds Bongbong Marcos gave me (4 tablets x 4 x/day),” saad sa Facebook post ng dating alkalde.

Noong Huwebes ay lumabas na ang kanyang COVID-19 test kung saan nakita nga na tinamaan siya ng COVID-19, ngunit tila magaling na umano siya sa sakit.

“But the good news is 2 days ago, I sweated profusely when I took the Chinese meds. This early morning I had diarrhea, intense sweat. When I took a shower, I felt fresh, light headed, and no more symptoms of any kind whatsoever. I’m 100% fit and healthy,” sambit pa ni Abalos.

Binahagi din niya na gumaganda na ang kalagayan ng kanyang tatay na si Commission on Elections chairman Benjamin Abalos Sr., pati ang kanyang ina matapos din tamaan ang mga ito ng COVID-19.

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=177683760425636&set=a.111004673760212&type=3&theater



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-mayor-abalos-gamot-ni-bongbong-mabisa-sa-covid/)

Walang komento