Recent Posts

Breaking News

ERC sa Meralco: Sobrang singil sa kuryente i-refund

Inutusan ni Energy Regulatory Commission ang Meralco na ibalik ang sobrang siningil sa kanilang mga kustomer nitong quarantine period.

Ayon kay ERC Chairperson Agnes Devanadera sa Laging Handa public briefing, Martes ng tanghali, maglalabas din sila ng pormal na kautusan para sa refund ng mga kustomer.

“Hanggang bukas pa ilalabas namin order for refund. Kahapon naman nag-commit Meralco na ire-refund,” ani Devanadera.

Nabatid na nitong Lunes sa pagdinig ng Senate committee on energy ay nangako ang Meralco, sa pamamagitan ng presidente nitong si Atty. Ray Espinosa na gagawa sila ng “corrective measures” sa electricity bill na nirereklamo ng mga kustomer nila.

“May mga item sa electric bill na hindi naming pinababayaran kunyari ang FIT All…sabi naming sa dalawang buwan hindi babayaran tulong na yan sa mga tao.Yong ibang utility naningil pa. Sabi naming huwag nang maningil pa ng universal charge, environmental charge `wag na pero iba naningil pa nung quarantine,” ani Denavadera.

Ang tinutukoy na “iba” ay ang mga distribution utility pa na nag-ooperate sa bansa bukod sa Meralco.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/erc-sa-meralco-sobrang-singil-sa-kuryente-i-refund/)

Walang komento