Recent Posts

Breaking News

Duterte sa mga sundalong gustong rumesbak: Kalma lang!

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa military na manatiling kalmado at huwag gumanti sa mga pulis matapos mapatay sa shooting incident ang apat na sundalo.

Anang Presidente sa kanyang “Talk to the Troops” matapos niyang bumisita sa Edwin Andrews Air Base noong Biyernes, walang mabuting idudulot sa bansa ang paghihiganti.

Siniguro rin niyang mabibigyan ng hustisya ang mga biktima at mapaparusahan ang mga may sala.

Pinayuhan din niya ang military na huwag magtanim ng galit laban sa mga pulis dahil mas may mahalagang dapat gawin at ito ay ang protektahan ang mga Pilipino.

June 29 nang mangyari ang diumano’y “misencounter” sa pagitan ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines sa Jolo, Sulu.

Ayon sa PNP, hindi “misencounter” kundi shooting incident ang nangyari na kinasasangkutan ng siyam na pulis.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-mga-sundalong-gustong-rumesbak-kalma-lang/)

Walang komento