Recent Posts

Breaking News

Duterte minalas daw, umaming palpak ang gobyerno

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, inabot ng kanyang termino ang problema ng kakulangan ng mga upuan sa Ninoy Aquino International Airport.

Kaya pinasisibak niya kay Transportation Secretary Arthur Tugade ang ilang restaurant para dumami ang mga upuan doon para sa mga stranded na pasahero, na napaulat na natutulog na sa karton sa labas ng mga airport teminal.

Matatandaang nagpatupad ng moratorium ang gobyerno sa pagpapauwi ng mga tao sa kani-kanilang probinsya, matapos umalma ang mga lokal na gobyerno at sabihing puno na ang kanilang mga quarantine site.

“Kawawa ‘yung tao. This is a classic case of government–and I must admit inabot ko ang problema, e di kasali ako. I’m not washing my hands. This is a failure of government, neglect,” wika ni Duterte sa pulong ng mga opisyal sa Palasyo, Martes ng gabi.

“Alam mo ‘yang airport na ‘yan, kung sino nag design niyan g–o, sabihin mo sa kanya. Walang upuan. Iilan lang ang upuan. Kapag ang mga flights nag patong, ‘yung iba naka tindig. What’s really worse is that merong restaurant diyan sa labas na malaki. Palisin mo ‘yung restaurant lagyan mo ng upuan kasi ‘yung iba merong mga bata, mga buntis.”

“Art, lagyan mo ng silya lahat ‘yan. ‘Yang restaurant dyan, kung ma-terminate mo contracts, terminate them. Because I need them to seat the passengers waiting,” ayon pa sa Pangulo.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/duterte-minalas-daw-umaming-palpak-ang-gobyerno/)

Walang komento