Recent Posts

Breaking News

Duterte may bagong ISAFP chief

Isang dating commander ng Presidential Security Group ang tinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong hepe ng Intelligence Service of Armed Forces of the Philippines.

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Sabado, na ang pinatutungkulan ay si Brig. Gen. Jose Eriel Niembra.

Nanilbihan ito bilang PSG commander mula Mayo 2018 hanggang Pebrero 2020.

Pagkatapos, tinalaga siya bilang Brigade Commander ng 701st Infantry Brigade sa 7th Infantry Division ng Philippine Army na nakapuwesto sa Mati, Davao Oriental.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-may-bagong-isafp-chief/)

Walang komento