Recent Posts

Breaking News

Duterte EO 92 pinalakas Anti-Child Abuse Law

Nagpasalamat ang isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa nilagdaang Executive Order No. 92 ni Pangulong Rodrigo Duterte na lalong nagpalakas sa batas kontra child labor sa bansa.

Inihayag ito ni DOLE Undersecretary Joji Aragon sa panayam sa Laging Handa briefing Miyerkoles ng tanghali kung saan isa sa pinag-usapan ang EO 92 na nilagdaan ng Pangulo noong 2019 para itatag ang National Council Against Child Labor.

Ayon kay Aragon, sa ilalim ng EO 92 ay nagtayo ng inter-agency council para protektahan ang mga kabataan laban sa child labor. Pinalakas aniya ng EO 92 ang Republic Act No. 7610 p Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Batay aniya sa estadistika, nasa dalawang milyong Pilipino ang nahahanay sa child labor subalit gusto nilang i-update ito dahil 2016 pa ang naturang datos.

“By 2022 ang commitment ng council we would have already taken out or extracted some 650,000 from child labor. Bawasan ang child labor sa pamamagitan ng iba’t ibang intervention,” ayon kay Aragon.

Kabilang aniya sa mga hakbang na ito para mabawasan ang mga kabataan nagtatrabaho na sa murang edad pa lamang ay ibalik sila sa eskuwelahan at bigyan ng kabuhayan o hanapbuhay ang kanilang mga magulang o guardian para hindi na magtrabaho ang mga kabataan na ito.

Magsasagawa rin umano sila ng profiling ng mga child laborer.
Binanggit ni Pangulong Duterte ang EO 92 sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, Hulyo 27.

“Part of our efforts to uphold human rights is protection of the rights of children and the right against discrimination. Early last year, I signed Executive Order No. 92 creating the National Council Against Child Labor. Government efforts to protect the rights of children will be amplified to prevent, reduce and eliminate any form of child labor,” sabi ni Pangulong Duterte.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-eo-92-pinalakas-anti-child-abuse-law/)

Walang komento