Recent Posts

Breaking News

Duterte dinalaw mga sundalo sa Sulu

Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo sa Jolo, Sulu nitong Lunes ng hapon sa gitna ng patuloy na pagharap sa hamon ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Sa kanyang talumpati, personal na ipinaabot ng Pangulo ang pakikiramay sa mga sundalo sa pagkamatay ng kanilang apat na kasamahang binaril ng mga operatiba ng Jolo Police.

Tiniyak ni Duterte sa mga sundalo na mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga nasawing kasamahan.

“You can rest assured that justice will be done to the family at sa mga tropa dito sa Jolo,” anang Pangulo.

Inatasan na aniya nito ang National Bureau of Investigation (NBI) para mag-imbestiga at alamin ang katotohanan sa totoong nangyari sa pagpatay sa apat na sundalo.

“As your Commander-in-Chief and as a President of the Republic of the Philippines, I assure you that I will see to it that the truth will come out be it favor of the police or the military. Ang hinihingi ko lang ang totoong nangyari,” dagdag ng Pangulo.

Umaasa ang Presidente na ang insidente ay hindi pagmumulan ng iringan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/duterte-dinalaw-mga-sundalo-sa-sulu/)

Walang komento