Recent Posts

Breaking News

Duque pinagtanggol na naman ni Duterte

Hindi umubra kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga panibagong panawagan para magbitiw sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque III.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na nakita niya kung paano magtrabaho ang kalihim kahit noon pang Arroyo administration.

Hindi aniya nito kukunin si Duque para maging kalihim sa ikalawang pagkakataon kung hindi ito competent sa kanyang trabaho.

“Nakita ko siya kung gaano magtrabaho. Hindi ko nakita na incompetent siya,” wika ni Duterte.

Madalas aniya nitong makita si Duque noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa mga pulong sa MalacaƱang at nakita niya kung gaano umano ito kaseryoso sa kanyang trabaho.

“Nakita ko si Secretary Duque in the many meetings we had in MalacaƱang. Ako yung consultant for Public Order and Security under President Gloria Arroyo and I used to come here whenever we are called. Nakita ko siya magtrabaho.”

Sumali na rin ang ilang grupo ng health workers sa mga nananawagan para magbitiw sa puwesto si Duque, matapos nitong iutos na ipadala sa Cebu City ang doctors to the barrios, iyong mga naninilbihan sa lugar na kaunti lang ang healthcare worker, para tumulong sa problema ng COVID-19 sa lungsod.

Giit ng mga grupo, hindi sila maayos na naabisuhan at nakonsulta sa bagong assignment.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/duque-pinagtanggol-na-naman-ni-duterte/)

Walang komento