Recent Posts

Breaking News

DSWD mahina sa SAP – Gatchalian

Dismayado si Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa delay na distribution ng ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Gatchalian, napigilan sana ang “involuntary hunger” ng nasa 5.2 milyong pamilyang Pilipino sa nakalipas na mga buwan kung maayos ang pamamahagi ng ayuda ng DSWD.

“Isa sa mga underperforming agencies ay itong DSWD dahil ang bola nasa kamay na nila pagdating sa pag-e-execute nitong SAP at hanggang ngayon wala pa rin [ang second tranche],” pahayag ni Gatchalian.

“‘Yung unang SAP, puwede pa natin patawarin na mabagal, magulo, ang database hindi maayos but we’ve already learned from that first SAP. Nasa second SAP na tayo, hindi mo na puwedeng gamitin [excuse] na magulo, si mayor pa rin, it’s really execution,” dagdag niya.

Dapat din daw na maging automated na ang pamamahagi ng SAP.

Nakatakda sana ang pamamahagi ng ikalawang SAP noong Mayo pero ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang validation ang nakapagpa-delay dito.

As of July 15, nakapaglabas pa lang ang DSWD ng ayuda sa may 2.1 milyon o 17% ng 12 milyong benepisyaryo.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dswd-mahina-sa-sap-gatchalian/)

Walang komento