Recent Posts

Breaking News

DSWD: ‘Di lahat ng tsuper kuwalipikado sa SAP

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi lahat ng driver ng mga pampublikong sasakyan ay kuwalipikadong tumanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP).

Sinabi ito ng ahensiya matapos paimbestigahan sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang reklamo mula sa mga public transport driver na hindi pa nakakatanggap ng cash assistance mula sa gobyerno.

Ani DSWD Secretary Rolando Bautista, naiintindihan nila ang concern ng Pangulo pero kabilang daw sa rason kung bakit hindi nakatanggap ng SAP ang ilang driver ay dahil 4Ps beneficiaries na ang mga ito.

Nabatid na 24,581 PUV at 1,915 Motorcycle Taxi driver ang kasama sa 4Ps.

Dagdag niya, nasa 217,170 driver nationwide ang kasama sa listahan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dswd-di-lahat-ng-tsuper-kuwalipikado-sa-sap/)

Walang komento