Recent Posts

Breaking News

DSWD: 7M pamilya nabigyan ng SAP

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nasa P50.7 bilyong halaga ng ayuda ang naipagkaloob na sa may 7,834,495 pamilyang benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP).

Hanggang July 29 ay halos kalahati ng target nilang family beneficiaries na tinukoy ng mga local government unit ang nabigyan ng cash aid, na naka-post sa DSWD official Facebook account.

Kaya nananatiling positibo si DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista na makukumpleto ang SAP distribution sa katapusan ng buwan.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dswd-7m-pamilya-nabigyan-ng-sap/)

Walang komento