Recent Posts

Breaking News

Drive-thru COVID test sa Quirino Grandstand

Binuksan ni Mayor Isko Moreno ang Quirino Grandstand bilang drive-thru testing para sa COVID-19.

Ipinasiya ng alkalde na magdagdag ng bagong lugar para sa COVID test dahil sa pagsisikip ng daloy ng trapiko matapos dumagsa ang mga motorista na gustong magpa-COVID test.

Nalaman na ang pila ng mga motorista na gustong magpa-test ay umabot hanggang sa United Nation Avenue mula sa Bonifacio Shrine sa tabi ng Manila City Hall.

Nabatid na matapos makipag usap kay National Parks Development Committee (NPDC) Executive Director Cecille Lorenzana-Romero, napagkasunduan nila ni Moreno na maglagay ng panibagong testing site sa may Quirino Grandstand.

“Dito po, mas malaki, mas mahaba, at mas convenient,” ayon kay Moreno matapos na inspeksyonin ang lugar.

“Bigyan niyo lang ako 48 hours. I will do my very best with the help of our co-workers. Pipilitin namin lagi magbuti, to be better, we will continue to listen to you. we will continue to adapt sensible suggestions,” dagdag pa ni Moreno.

Ayon sa alkalde, kayang mag-test ng hanggang 700 katao at lalagyan rin ng lane para sa mga tricycle, pedicab, motorsiklo at iba pang non-motorized vehicle ang drive-thru COVID test.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/drive-thru-covid-test-sa-quirino-grandstand/)

Walang komento