Recent Posts

Breaking News

Domestic tourism tututukan ng DOT

Gagamiting paraan ng Department of Tourism (DOT) ang domestic tourism para sa unti-unting pagbabangon ng turismo sa bansa.

Ayon kay Tourism Undersecretary Arturo Boncato, nakadepende sa ngayon ang kinabukasan ng turismo sa tiwala at kumpiyansa ng target nilang market na nakasaad sa kanilang “Tourism Response and Recovery Program” o TRRP.

“A major strategy of the TRRP is to restart tourism. And Sec. (Bernadette) Puyat believes that domestic tourism should be the catalyst of restarting the industry all over the Philippines,” paliwanag ni Boncato sa pre-State of the Nation Address forum.

Bago nito, sinabi ng DOT na target nilang iimplementa ang “travel bubbles” kung saan papayagang makabisita sa piling lugar sa Pilipinas ang mga banyaga na mula sa mga bansang may mababa o walang kaso ng COVID.

Kabilang sa mga kinokonsiderang piling lugar ang Bohol at Boracay. (IS)



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/domestic-tourism-tututukan-ng-dot/)

Walang komento