Recent Posts

Breaking News

DOLE todo suporta sa Department of Overseas Filipinos

Lubos ang suporta ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagtatayo ng isang bagong departamento ng gobyerno para sa mga Pilipino na nasa ibang bansa.

Ipinahayag ito ni DOLE Undersecretary Joji Aragon nang matanong sa Laging Handa briefing nitong Miyerkoles ng tanghali tungkol sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso para ipasa na ang batas na magtatatag ng Department of Overseas Filipinos.

“Kawawa kasi itong ating mga overseas. If it‘s only an office there in the Labor department they are overworked or for whatever reason, their needs, their pleas are not really attended to with dispatch and with care,” sabi ng Pangulo sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na ginanap noong Lunes, Hulyo 27.

Inihayag naman ni Aragon na sa pinakahuling pulong nila kasama si Cabinet Secretary Karlo Nograles ay nagkaroon ng “consensus” ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na kinakailangan ang pagkakaroon ng departamento para sa mga overseas Filipino.

“Naniniwala kami sa konsepto ng bundling of services, na-underscore ang pangangailangan na ito ngayon,” ani Aragon.

Nabatid kay Aragon na pasado na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para sa Department of Overseas Filipinos at naibigay na ang bersyon nito sa Senado. Sa Senado naman ay nakipagpulong na aniya sa mga stakeholder hinggil sa naturang panukala.

Sabi ni Aragon, mapapaloob din sa itatatag na departamento ang mga Pilipinong nais mag-migrate at mga estudyante na gustong mag-training sa ibang bansa.

“Baka tawagin pa itong Department of Filipinos Abroad kasi more encompassing,” sabi pa ni Aragon.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dole-todo-suporta-sa-department-of-overseas-filipinos/)

Walang komento