Recent Posts

Breaking News

DOH sang-ayon sa DepEd sa face-to-face classes

Pinag-iisipan ng Department of Education na payagan ang mga limitadong face-to-face class sa mga lugar na low risk para sa coronavirus, halos isang buwan bago ang simula ng mga klase.

Dumarami na kasi umano ang mga humihiling na magkaroon ng in-person class kahit pa may pandemya, ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones.

“We think maybe we could allow limited face-to-face classes in low-risk areas, but students won’t have to be there every day and there must be conditions,” ayon kay Briones sa Laging Handa briefing.

Sinang-ayunan naman ni DOH Secretary Francisco Duque III ang pahayag ng DepEd.

Dagdag ni Duque, maaari ang face-to-face class sa mga lugar na low risk at walang access sa internet, radio o television.

Wika ni Briones, dapat isa o dalawang beses kada linggo lang papasok sa eskuwela ang mga mag-aaral.

Kailangan din aniyang sumunod ng mga paaralan sa mga coronavirus protocol para payagan na makapag-operate, gaya ng access sa health facility at sapat na suplay ng gamot para sa mga mag-aaral na makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Inter-Agency Task Force for the Management on Emerging Infectious Diseases na magbigay ng proposal hinggil sa face-to-face class ng hanggang 10 mag-aaral.

Sa Agosto 24 na nakatakdang magsimula ang mga klase sa bansa, na karamihan ay gagawin via distance learning o gamit ang internet, radio show, educational television o mga printed module sa bahay.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/doh-sang-ayon-sa-deped-sa-face-to-face-classes/)

Walang komento