Recent Posts

Breaking News

DOH: PH healthcare system magigiba na

Malapit nang mapuno ang mga ospital sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, na ngayon ay nasa 83,673 na.

Ayon kay Health Undersecretary Ma.Rosario Vergeire, nasa ‘warning zone’ na ang occupancy rate ng mga COVID-19 bed sa bansa.

Aniya, nasa 52.3% o 8,577 sa 16,388 bed para sa mga COVID-19 patient ang okupado na sa buong bansa.

“Nationally, malapit na po na ma-overwhelm ang health system natin… kaya naman nakikiusap po kami sa inyo na sumunod po tayo sa minimum health standards,” saad ni Vergeire

Sa Metro Manila, umaabot na sa 82.2 percent ang okupadong COVID-19 bed, habang ilang rehiyon din ang nasa warning zone na.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-ph-healthcare-system-magigiba-na/)

Walang komento