Recent Posts

Breaking News

DOH: Mga frontliner sa San Lazaro, bayad kahit quarantine

Dumepensa ang Department of Health sa mga paratang ng mga health worker sa San Lazaro Hospital sa Maynila na hindi sila nababayaran ng tama at kulang din umano sa binibigay na proteksyon ang ospital.

Saad ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, bawat health worker ay bayad kahit pa naka-quarantine ang mga ito.

“Dati pa naman natin yan kina-klaro sa lahat na bibigyan sila ng enough time … kung kailangan mag-quarantine because of exposure and that is paid,” saad ni Vergeire.

Kasunod ito ng sinagawang silent protest ng mga nurse sa San Lazaro Hospital para ireklamo ang kakulangan umano ng personal protective equipment na ibinibigay sa kanila, at hindi rin umano binabayaran ang leave kapag nasa quarantine ang isang staff.

Matatandaan na pumalag na ang management ng San Lazaro Hospital, na sinabing sapat ang kanilang mga PPE at nilinaw na ang mga mask na kanilang pinapagamit ay reusable.

Sinabi pa ng ospital na nakabase ang kanilang pasweldo base sa guideline at budget appropriation ng naturang pasilidad.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/doh-mga-frontliner-sa-san-lazaro-bayad-kahit-quarantine/)

Walang komento