Recent Posts

Breaking News

Disneyland, Ocean Park sarado muna! Hong Kong naghigpit dahil sa COVID-19

Dahil dumarami ang mga kaso ng coronavirus case, nagdesisyon si Hong Kong Chief Executive Carrie Lim na higpitan ang kanilang mga travel at social distancing protocol.

Kabilang sa mga paghihigpit, na epektibo mula hatinggabi ng Miyerkoles, ang pagbabawal sa public gathering na lalampas sa 4 katao kabilang ang mga kasal at misa.

Sinumang papasok sa Hong Kong na nanggaling o bumiyahe sa high-risk area sa nakalipas na 14 araw ay dapat magpakita ng patunay na tinest at nagnegatibo sila sa coronavirus bago sumakay. Parurusahan ang airline kapag hindi ito ginawa.

Isasara na rin nang 7 araw ang mga lugar-aliwan at fitness center, maging ang Hong Kong Disneyland at ang amusement park na “Ocean Park”.

Dapat na ring magsuot ng mask sa lahat ng mga mass transport.

Ito, matapos iulat ng lungsod ang 52 bagong COVID-19 case sa kanilang “third wave” ng mga pagkahawa.

Tinala rin pangwalong namatay sa virus doon.

Sa ngayon, may kabuuang 1,521 COVID-19 case sa Hong Kong.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/disneyland-ocean-park-sarado-muna-hong-kong-naghigpit-dahil-sa-covid-19/)

Walang komento