Recent Posts

Breaking News

Diokno: Anti-terror law panira sa demokrasya

Patuloy na ipaglalaban ni human rights lawyer Chel Diokno ang pagpigil sa pagiging batas ng Anti-Terrorism bill, kahit pa nilagdaan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Diokno, kanyang ilalapit sa Supreme Court ang nasabing panukalang batas para kuwestiyonin ang ilang probisyon na labag umano sa Konstitusyon.

Ani ng dating opposition senatoriable, nakakasira ng demokrasya ang pagiging ganap na batas ng anti-terrorism bill.

“Anti-Terror Law will terrorize our democracy, not the terrorists. Patuloy natin igiit sa mga mambabatas na i-amend o repeal nila ito. Bantayan natin ang laban pag dinala natin yan sa korte. At wag natin hahayaang lalo pang masira ang ating demokrasya,” pakli ni Diokno.

Nilinaw naman ni Diokno na siya rin ay kontra sa mga terorista, ngunit para sa kanya, hindi na kailangan ng bagong batas para ito’y malutas dahil mas kailangan na ayusin ang judicial system sa bansa.

Nitong Biyernes ay kinumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque na pirmado na ni Duterte ang kontrobersyal na bill, na isa sa probisyon ay pag-aresto sa isang suspected terrorist at pagdetine dito ng hanggang 24 araw kahit walang arrest warrant.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/diokno-anti-terror-law-panira-sa-demokrasya/)

Walang komento