Recent Posts

Breaking News

DILG undersecretary sapul ng COVID

Inanunsyo ni Interior Undersecretary Epimaco Densing III na nagpositibo siya sa COVID-19 sa isang Facebook post.

“As part of my obligation as a public official under this public health emergency, I would like to announce that I have been tested positive of the Covid19 Virus,” ayon kay Densing.

Aniya, nagpapagaling na siya sa ospital kung saan maganda ang epekto ng treatment sa kanyang katawan.

“Sa aking mga kababayan, huwag nating pabayaan ang ating katawan at maging mapagnatuay sa mga taong nakapaligid sa atin,”payo ni Densing sa mga Pinoy.

Tingin ni Densing, humina ang kanyang resistensya dahil sa kanyang trabaho.

“Maaring bumagsak ang aking resisiyensya sa dami ng problema at paggdedesisyong na kailangan gawin ng walang pinipipiling oras na nakaapekto sa buhay ng kakararami. At natsambahan sa isang maikling pagkakataon na dumaan ang virus sa pangagatawan ko,” paliwanag nito, na sinigurong malalabanan niya ang virus.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/dilg-undersecretary-sapul-ng-covid/)

Walang komento