Recent Posts

Breaking News

‘Di na lang 60K: COVID case sa ‘Pinas papalo sa 85K sa July 31 – study

Ayon sa isang pag-aaral, posibleng pumalo sa 85,000 ang kabuuang dami ng mga coronavirus case sa bansa sa katapusan ng Hulyo, mas mataas sa nauna nilang prediksiyon na 60,000 hanggang 70,000 kaso.

Kabuuang 2,000 naman ang maaaring mamatay sa coronavirus sa parehong panahon kung patuloy sa pagtaas ang reproduction number ng virus, ayon sa July 16 Forecast Report No. 12 ng UP OCTA Research, isang independent research group na karamihan sa mga miyembro ay UP faculty member at alumni.

“Assuming that the current transmission rates continue, this projects to more than 85,000 cases and 2,000 deaths by end of July. This is higher than our previous projection of 60,000 to 70,000 cases by end of July due to an increase in transmission rates,” ayon sa grupo.

Matatandaang sinabi ng UP OCTA Research na magkakaroon ng 60,000 hanggang 70,000 coronavirus case sa bansa sa dulo ng Hulyo.

Pero nito lang Huwebes, Hulyo 16, lumobo na sa 61,266 ang nationwide tally ng mga nagpositibo sa virus sa ‘Pinas.

Wika nila, isa sa mga dahilan kung bakit tumataas ang bilang ng nahahawa ay dahil sa mas maluwag na paggalaw ng madla sa mga general community quarantine area.

Makatutulong anila sa pagbaba ng reproduction number ng COVID-19 infection kung ibabalik sa modified enhanced community quarantine ang status sa Metro Manila.

Samantala, napag-alaman nila na bumaba ang transmission rate ng coronavirus sa Cebu mula nang ilagay ito sa lockdown o enhanced community quarantine.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/di-na-lang-60k-covid-case-sa-pinas-papalo-sa-85k-sa-july-31-study/)

Walang komento