Recent Posts

Breaking News

Death penalty udlot sa iligal na droga – Gamboa

Naniniwala ang hepe ng Philippine National Police na direktang nagpapaudlot sa bentahan ng iligal na droga ang pagpapanumbalik sa parusang kamatayan.

Sinabi ito ni PNP chief Archie Gamboa ngayong Miyerkoles ng umaga.

“Revival of death penalty may help in our fight against crime and illegal drugs,” sambit ni Gamboa sa ANC’s Headstart.

“We believe the death penalty is a direct deterrent to the illegal drug trade. Death penalty should be imposed depending on level of participation in illegal drug trade,” aniya pa.

Maugong ngayon ang usapin sa pagpapanumbalik ng death penalty dahil isa ito sa mga hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ng mga mambabatas, sa kanyang ikalimang State of the Nation Address noong Lunes.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/death-penalty-udlot-sa-iligal-na-droga-gamboa/)

Walang komento