Recent Posts

Breaking News

De Lima sa 70 kongresista: Sarili lang nila ang iniisip!

“Sarili lamang nila ang kanilang iniisip, hindi ang kapakanan ng nakararaming Filipino”.

Ito ang patutsada ni Senadora Leila de Lima sa 70 miyembro ng House Committee on Legislative Franchise kasunod ng pagbasura sa franchise application ng ABS-CBN Corporation.

“How dare they call themselves representatives of the people when they refuse to heed pleas of thousands of Filipinos depending on the operations of ABS-CBN for their livelihood and millions more who depend on ABS-CBN for news and entertainment?” tanong nito.

“How can they see this as anything but a great loss for our country and democracy?” dagag pa ng senadora.

Ayon kay De Lima, paulit-ulit na sinasabi ng ating mga ekonomista na pabagsak ang ekonomiya ng bansadala ng salot ng COVID-19 kaya kailangan natin ng mga negosyanteng handang tumulong na magbigay ng kabuhayan sa marami nating kababayang naghahanap ng trabaho.

“Sa halip na magdagdag ng trabaho, mga unemployed ang dinagdagan ng Sellout-70. Lugmok na nga ang maraming Filipino, lalo pa nila pinalaganap ang kahirapan,” sabi nito.

Binigyang-diin ni De Lima na walang nilabag na batas ang ABS-CBN subalit binalewala umano ng 70 kongresista na bumoto pabor sa pagbasura ng prangkisa ng network.

“Binalewala ito ng Sellout-70 at ang bayan ang nawalan. Nawalan ng trabaho, nawalan ng balita, at nawalan ng karapatan sa malayang pamamahayag,” ani De Lima.

Hindi rin umano puwedeng maghugas-kamay si Pangulong Rodrigo Duterte sa likod nito dahil noon pa man ay lantaran na niyang sinabi na kanyang haharangin ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/de-lima-sa-70-kongresista-sarili-lang-nila-ang-iniisip/)

Walang komento