Recent Posts

Breaking News

De Lima: Bato walang puso, mayabang!

Binakbakan ni Senadora Leila si administration Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa payo ng huli sa mga kawani ng ABS-CBN na maghanap na lang ng ibang trabaho sa oras na magsara ang network.

“Sen. Bato’s telling ABS-CBN employees to just look for other jobs smacks of insensitivity and callousness, if not downright arrogance,” pahayag ni De Lima sa isang statement.

“Paano sila makakahanap ng trabaho eh may pandemya nga?” dagdag pa nito.

Noong Huwebes, inihayag ni Dela Rosa na hindi siya apektado ng pagsasara ng ABS-CBN at pinayuhan ang libong kawani nito na maghanap na lang ng ibang trabaho.

Ginawa ng senador ang pahayag isang araw matapos ibasura ng House Committee on Legislative Franchise ang franchise bid na pinakamalaking media network sa bansa.

“Sen. Bato should be reminded that his President failed miserably in his promise to address labor woes such as providing decent and regular jobs to Filipino workers and ending the pernicious practice of contractualization,” ani De Lima.

“Kaya wala pa ngang pandemya, kalbaryo na ang dinaranas ng ating mga manggagawa,” saad pa nito.

Kung may papayuhan aniya si Bato, ayon kay De Lima, ito’y wala kundi si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Bakit kaya hindi na lang ang payuhan ni Sen. Bato ay si Duterte mismo para magtrabaho? Sabihan nya na mag-seryoso naman sya sa pamamalakad nya sa harap ng krisis,” sabi ni De Lima.

“Magkaroon na kamo si Duterte — sa wakas! — ng plano at konkretong aksyon sa lumulubha pang pagkalat ng COVID-19 sa bansa, sa pagkawala ng maraming trabaho, at paglubog ng ating ekonomiya,” wika pa nito.

Ayon pa kay De Lima, dapat gawin ni Duterte ang kanyang mandato at hindi dapat inuuna ang pagpapasara ng ABS-CBN, pag-harass kay Maria Ressa, at pag-terrorize sa mga kritiko.

“Gawin ni Duterte ang kanyang mandato — hindi yung manda roon, manda rito, na wala namang direksyon at motibasyon kundi kapritso at kagahaman sa pwesto,” sabi pa ng senadora.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/de-lima-bato-walang-puso-mayabang/)

Walang komento