Recent Posts

Breaking News

Dating cyberbullying victim, kasama sa nanghamon sa anti-terror law

Viral muli ang alumnus ng UP College of Law na dumanas ng cyberbullying matapos sumuong sa malalim na baha sakay ng kanyang kotse noong 2011.

Matatandaang noong Agosto 2011, inere ng GMA-7 ang paglusong ni Chris Lao sa baha sa Quezon City at paglutang ng kanyang kotse. Giit niya, hindi siya in-inform sa lagay ng bahang kalsada.

Noon ay law student pa lang siya ngunit sa ngayon ay faculty member na siya ng UP Law at DLSU College of Law.

Kagabi, Hulyo 4, tinampok siya ni Twitter user @hecklerforever8 dahil si Lao umano ay “isa sa mga abogadong nagsampa ngayon ng unang petisyon laban sa Duterte Terror Law.”

“Lumutang ang kotse niya noon, lumutang ang tapang niya ngayon,” ayon pa sa netizen.

Isang araw matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terror Law, naghain ng petition laban dito sa Korte Suprema ang grupo ng mga abogado na pinangunahan ni Atty. Howie Calleja, mga civic group, at ni Isang grupo na kinabibilangan ng mga abogado, at ni dating Education Secretary Bro. Armin Luistro.

Ayon sa mga petitioner, labag sa Konstitusyon ang Anti-Terrorism Law.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/dating-cyberbullying-victim-kasama-sa-nanghamon-sa-anti-terror-law/)

Walang komento