Recent Posts

Breaking News

Dahil sa Eat Bulaga, Pauleen Luna natagpuan ang minamahal

Ang pinakapinagpapasalamat ni Pauleen Luna sa kanyang pagiging “Eat Bulaga!” host ay ang tiyansang makilala ang lalaki na iniibig ng kanyang puso, ang co-host na si Vic Sotto.

“I have found the man that my heart loves in this show,” banggit ni Luna sa Instagram, Hulyo 30.

“From that young teenager to the mom that I am today, Eat Bulaga was always there,” aniya pa.

Nilakip din niya ang larawan niya sa unang araw sa Eat Bulaga, kasama ang batang Michael V na nakasuot ng school uniform.

16 anyos umano siya nang makatrabaho ang “group of very successful people” sa nasabing noontime variety TV show, at hanggang ngayon na 31 anyos na siya, parte pa rin siya ng programa.

“Happy 41st Anniversary! You are a gift to all of us! I thank the Lord everyday for you!,” hayag ni Pauleen sa ika-41 anibersaryo ng Kapuso program ngayong taon.

Pinagdiwang nina Pauleen at Vic ang kanilang 4th wedding anniversary nitong Enero.

Bago ito, si aktres Dina Bonnevie ang asawa ng 66-anyos na aktor.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahil-sa-eat-bulaga-pauleen-luna-natagpuan-ang-minamahal/)

Walang komento