Recent Posts

Breaking News

Crime scene `di dapat iniwan ng mga pulis sa Jolo – Banac

Inamin ng Philippine National Police (PNP) na mali ang ginawang pag-iwan ng mga pulis sa bangkay ng apat na sundalo na kanilang napatay sa Jolo, Sulu noong Lunes ng hapon.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, dapat sana kinordonan ng mga pulis ang lugar kung saan napatay ang apat na miyembro ng Philippine Army habang hinihintay ang Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Dapat aniya hindi tumakas sa crime scene ang mga pulis na responsable sa pangyayari dahil mahigpit ang protocol ng PNP sa paghawak ng mga ebidensiya.

“Because in handling crime scene and evidence, there is a procedure, we are very strict on this. If this was not done, our cops there would maybe be held again liable for that,” pahayag ni Banac sa panayam sa ANC.

“When there’s a crime scene, there’s an incident, the procedure is to secure the crime scene and wait for reinforcement or SOCO to come in. Allegedly this thing did not happen so we want to know also and we can actually do that in the initial probe again,” dagdag pa ni Banac.

Ipinahayag ito ni Banac matapos na kondenahin ni Philippine Army chief Lt. Gen. Gilbert Gapay, Martes ng hapon, kung bakit iniwan ng mga pulis ang mga bangkay ng apat na sundalo na kanilang napatay at hindi na naghintay ng SOCO.

“Mga four to five ‘yung bumaril, the others served as lookout. After mapatay nila lahat, they fled. SOP ba ‘yon? Di bapag may namatay, you have to cordon the area and wait for SOCO? Wala, nagtakbuhan lahat eh. So this is another thing we have to find out in the investigation,” pahayag ni Gapay.

Kinilala ang mga pulis na responsable sa pagkamatay ng apat na sundalo na sina Staff Sergeant Almudzrin Hadjaruddin, Patrolman Alkalaj Mandangan, Patrolman Rajiv Putalan, Senior Master Sergeant Abdelzhimar Padjiri, Master Sergeant Hanie Baddiri, Staff Sergeant Iskandar Susulan, Staff Sergeant Ernisar Sappal, Corporal Sulki Andaki, at Patrolman Moh Nur Pasani.

Dapat din umanong masibak ang hepe ng Jolo Municipal Police Station at ang Sulu Police Provincial Office (PPO) director dahil sa insidente.
Ayon naman kay Banac, patuloy pa rin nilang pinag-aaralan ang pangyayari kung kinakailangan sibakin ang hepe at provincial director habang sa ngayon ang siyam na pulis na sangkot sa insidente ay sinibak na at nasa kustodiya ng Sulu PPO.

“Our leadership is studying the situation and if evidence warrants and there is sufficient grounds, this will be ordered,” paniguro ni Banac.(



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/crime-scene-di-dapat-iniwan-ng-mga-pulis-sa-jolo-banac/)

Walang komento