Recent Posts

Breaking News

COVID survivor sa Brazil 1 milyon na

Lampas isang milyong katao na ang gumaling sa coronavirus sa Brazil.

Sa tala ng Johns Hopkins University, 1,054,591 na ang mga recovery doon.

Samantala, 1,623,284 ang nahawa habang 65,487 ang yumao mula sa COVID-19 sa Brazil.

Nangunguna ang Brazil sa bilang ng mga gumaling sa virus, habang pangalawa ito sa US sa dami ng tinamaan at ginupo ng naturang sakit sa daigdig.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/covid-survivor-sa-brazil-1-milyon-na/)

Walang komento