Recent Posts

Breaking News

COVID infection sa Cebu City higit 6K na

Mahigit 6,000 na ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infection sa Cebu City matapos na makapagtala ng panibagong 152 kaso nitong Linggo.

Sa kabuuan, umakyat na sa 6,142 ang mga kaso ng COVID sa naturang lungsod pasado alas-sais Linggo ng gabi, batay sa daily bulletin ng City Health Department (CHD). Mula sa nasabing bilang ay 2,688 ang mga aktibong kaso.

Naitala ang pinakamaraming bagong kaso ng COVID infection sa Brgy. Capitol Site na mayroong 23 kaso.

Nakapagtala rin ng mga bagong kaso sa mga sumusunod na barangay: Guadalupe, 14; Lahug, 14; Apas, 13; Camputhaw, 7; Quiot, 6; San Nicolas, 5; Mambaling, 5; Bacayan, 4; at Lorega, 4.

Mayroong namang tig-tatlong kaso ng COVID ang naitala sa mga barangay ng Banilad, Hipodromo, Kasambagan, Labangon, Pahina Central, Pardo, Punta Princesa, Sambag II, San Antonio at Talamban.

Tig-dalawang bagong kaso sa mga barangay ng Barrio Luz, Budlaan, Inayawan, Mabolo, San Nicolas Proper, Sta. Cruz, at T. Padilla.
Habang tig-isang bagong kaso naman sa mga barangay ng Basak Pardo, Bonbon, Bulacao, Busay, Cambinocot, Carreta, Ermita, Guba, Kalunasan, San Jose, at Tisa.

Mayroon pang dalawang bagong kaso subalit hindi pa mabatid kung saang lugar ito.

Samantala, inihayag din ng CHD na mayroong 90 nakarekober sa COVID at isa ang nasawi mula sa Brgy. Ermita.
Sa ngayon, nasa 3,233 na umano ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID habang 221 na ang nasawi.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/covid-infection-sa-cebu-city-higit-6k-na/)

Walang komento