Recent Posts

Breaking News

COVID case sumisirit, NCR dapat i-ECQ – Leachon

Dahil sobra umanong nakaaalarma ang patuloy na pagtaas ng mga COVID-19 case, dapat ibalik sa lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) ang status sa National Capital Region sa loob ng dalawang linggo.

Nirekomenda ito ni Dr. Tony Leachon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ilang araw bago ilabas ng gobyerno ang quarantine rules para sa Hulyo 16 hanggang 31.

Ito aniya ay para maaresto ang sumisirit na bilang ng mga nahahawa, at mabigyang-panahon ang mga healthcare facility na rumesponde sa mga darating pang pasyente.

“During my turn, I told the President that if I would decide this based on my clinical acumen as a physician — and not thinking of the economy and the social amelioration funds — I would perhaps suggest an ECQ (in Metro Manila) patterned after the first ECQ in March 15 onwards and in Cebu,” sabi ni Leachon sa CNN Philippines’ The Source, Biyerhes.

“Clearly, there’s a rapid acceleration right now of the cases,” saad niya pa.

Matatandaang sinibak sa puwesto si Leachon bilang task force adviser, matapos niya lantarang punahin ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/covid-case-sumisirit-ncr-dapat-i-ecq-leachon/)

Walang komento