Recent Posts

Breaking News

COVID-19 survivor sa mundo 7 milyon na

Humigit na sa pitong milyong indibidwal sa daigdig ang gumaling mula sa coronavirus disease 2019.

Sa dashboard ng Center for Systems Science and Engineering ng Johns Hopkins University, Lunes, makikitang 7,063,141 na ang naka-recover sa COVID-19.

Nangunguna rito ang Brazil na may 1.24 milyon at ang US na may 1.01 milyon.

Samantala, 12,865,184 milyon na ang kabuuang dami ng mga nahawa habang 567,995 na ang ginupo ng naturang virus sa 188 lugar sa buong mundo.

Sa pinakahuling tala naman sa Pilipinas, 54,222 na ang tinamaan ng COVID-19.

Kabilang dito ang 1,372 pagkamatay at 14,037 paggaling sa sakit.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/covid-19-survivor-sa-mundo-7-milyon-na/)

Walang komento