Recent Posts

Breaking News

COVID-19 positive sa Brazil, 2 milyon na

sdc

Tinamaan na ng new coronavirus ang higit dalawang milyong indibidwal sa Brazil.

Sa nakalap na datos ng Johns Hopkins University, makikitang 2,012,151 na ang mga nahawa sa COVID-19 sa naturang bansa, na may populasyong higit 212 milyon.

Ang Brazil ang pangalawang may pinakamaraming bilang ng mga nasapul ng coronavirus, sumunod sa Amerika na may 3.56 milyong kaso.

Samantala, 76,688 naman ang mga pumanaw at 1,387,527 ang gumaling mula sa nasabing virus.

Nananatili sa 188 ang dami ng mga lugar sa daigdig na sinasagupa ang pandemya.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/covid-19-positive-sa-brazil-2-milyon-na/)

Walang komento