Recent Posts

Breaking News

Cimatu pinadala sa Cebu `di para mag-take over

Ipinadala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cebu City si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu hindi para mag-take over kundi magsagawa ng obserbasyon at mag-isip kung paano makokontrol ang COVID-19 pandemic sa naturang lungsod.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang mensahe sa mga kababayang Pilipino, Martes ng gabi kung saan inanunsyo nito ang quarantine status ng iba’t ibang probinsya.

“I sent General Cimatu there not to take over. He is not a medical man. Not to do anything but just to observe and do the critical thinking. Tapos kung ano ang nakita niya, eh pagbalik niya magsabi siya `Baka kulang dito, kulang doon’,” wika ng Pangulo.

Matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya ang pagpunta ni Cimatu sa Cebu City matapos utusan ng Pangulo na pangasiwaan ang pagtugon sa COVID-19 pandemic sa lungsod dahil sa puna ng isang netizen.

Batay sa social media post ng isang netizen, nagdala aniya ang kalihim ng maraming kasama at nagpareserba pa ng 70 kuwatro sa isang mamahaling hotel sa Cebu City.

Mariin naman itong itinanggi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda at sinabing fake news ang ipinakalat ng netizen sabay hamon pa dito na mag-fact check din kapag may oras siya.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/cimatu-pinadala-sa-cebu-di-para-mag-take-over/)

Walang komento