Recent Posts

Breaking News

Chiz: Gobyerno dapat intindihin mga kritiko ng anti-terror law

Sang-ayon man si Sorsogon Governor Chiz Escudero na dapat hindi takot ang batayan para kontrahin ang Anti-Terrorism Law, naniniwala naman siyang obligasyon ng Kongreso na tumugon sa takot na ito.

Kaya naman, ngayong Lunes, sinabi ng mambabatas na dapat mas maging understanding ang gobyernong Duterte sa mga mamamayan na naglalabas ng kanilang alinlangan hinggil sa kapapasa pa lang na batas.

“Our country went through a long period of abuse of authority. Government should be more understanding of people who express their concerns about the Anti-Terror Law,” wika ni Escudero sa ANC’s Headstart, Hulyo 6.

“Vagueness, broadness of Anti-Terror Law should be corrected in implementing rules & regulations.”

“I agree that fear should not be the basis to oppose the Anti-Terror Law. But it is the job of Congress to placate those fears,” aniya pa.

Sa kabila ng maugong na batikos na hinarap nito sa nagdaang mga buwan, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Bill nitong Biyernes, Hulyo 3, 2020.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/chiz-gobyerno-dapat-intindihin-mga-kritiko-ng-anti-terror-law/)

Walang komento