Recent Posts

Breaking News

CHED: Ilang private school nagsara sa mababang enrollment

Napilitan ang ilang pampribadong paaralan na huwag mag-operate sa paparating na school year dahil sa baba ng bilang ng kanilang mga enrollee para sa school year 2020-21.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera, ito’y dahil na rin sa pangamba ng mga magulang na magpatuloy sa pag-aaral sa takot sa virus.

“Mayroon na pong ilang eskuwelahan na nagsabi sa CHED na magsasara sila dahil ‘yung enrollment ho ay talagang bumaba, natatakot ang mga magulang at estudyante, at mayroon na hong ilan na nag-report sa CHED,” saad ni De Vera.

“Ang problema ho wala kaming policy sa pagsara kasi itong COVID ay hindi pa nangyari sa matagal na panahon, so we are only crafting it.”

Aniya pa, ilang private school din ang nanghihingi ng tulong mula sa gobyerno dahil may mga lugar na hindi kakayanin ang online learning dahil sa kawalan ng internet connection.

Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo base sa datos ng DepEd as of July 15, nasa 300,877 na mag-aaral ang nilipat mula private school patungong public school.

Sa kabuuan, tanging 1,050,434 enrollee lamang ang naitala sa mga private school mula Kindergarten hanggang Grade 12 sa papasok na school year.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ched-ilang-private-school-nagsara-sa-mababang-enrollment/)

Walang komento