Recent Posts

Breaking News

Charlie Puth type si Lisa

Tila may namumuong pagkagusto ang “We Don’t Talk Anymore” singer na si Charlie Puth sa isa sa mga miyembro ng Blackpink na si Lisa.

Nag-upload si Charlie kamakailan sa kanyang instagram ng selfie kung saan ang caption niya ay “lalala_”

Una ay binalewala muna ito ng mga fan dahil maaring tipikal na selfie niya lang ito at wala nang ma-caption, ngunit nabigyan ng ibang kahulugan ang caption na iyon nang makita na nag-comment si Charlie sa picture ni Lisa mula sa Blackpink ng green na heart.

Agad binalikan ng mga fan ang picture ni Charlie na may “Lalala_” caption para sana ipagkonekta ang Instagram name ni Lisa at ang caption ni Charlie, ngunit mabilis din itong pinalitan ng caption ng singer na “Jaja ding dong”.

Dahil dyan, lalong nagtaka ang mga fan at mas lalo silang naintriga nang biglang burahin ni Charlie sa kanyang Instagram ang in-upload niya na selfie kahit pinalitan na nito ang caption niya.

Palagay ng karamihan ay nakaramdam ang singer na nahalata ng publiko na tila nagpaparamdam siya kay Lisa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/charlie-puth-type-si-lisa/)

Walang komento