Recent Posts

Breaking News

Cebu City nanatili sa ECQ, Metro Manila GCQ pa rin – Duterte

Walang pagbabago sa umiiral na quarantine status sa Cebu City at sa National Capital Region dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ng gabi sa kanyang mensahe sa bayan na mananatili sa enhanced community quarantine ang Cebu City habang general community quarantine ang Metro Manila hanggang sa July 15.

Sinabi ng Pangulo na ang Cebu City na ngayon ang hotspot sa COVID-19 dahil marami sa mga mamamayan ng lungsod ang umano’y ayaw sumunod sa mga ipinaiiral na security protocols sa ilalim ng ECQ.

“You have the highest (number of cases). Cebu is now the hotspot for COVID. Bakit? Eh wala mo musunod eh. Marami sa inyo hindi sumunod,” anang Pangulo.

Kabilang sa mga lugar na nasa GCQ ay ang mga lalawigan ng Benguet, Cavite, Rizal, Leyte at Southern Leyte, Lapu Lapu City, Mandaue City at Ormoc City.

Nag-downgrade na rin ang Talisay City mula sa dating pagiging modified ECQ at ngayon ay inilagay sa GCQ kasama na ang mga bayan ng Minglanilla at Consolacion.

Ang ibang mga lugar sa Cebu province ay isinailalim sa modified GCQ.

Ang iba pang mga lugar sa bansa na nasa MGCQ status ay ang mga sumusunod: Abra, Baguio City, Ifugao, Kalinga, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Angeles City,Batangas, Laguna, Quezon, Lucena City,Palawan, Puerto Princesa City,Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Naga City, Capiz, Iloilo, Iloilo City, Negros Occidental, Bacolod City, Bohol, Negros Oriental,Tacloban City, Western Samar, Zamboanga City, Zamboanga del Sur,Bukidnon, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City, Davao de Oro, Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Butuan City, Lanao del Sur at Maguindanao.

Ang natitirang mga lugar sa bansa ay maitururing na nasa low-risk modified general community quarantine.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/cebu-city-nanatili-sa-ecq-metro-manila-gcq-pa-rin-duterte/)

Walang komento