Recent Posts

Breaking News

Cayetano ulyanin! – Jim Paredes

Ayon sa musikerong si Jim Paredes, nakalimutan ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nakinabang ang tatay nito sa ABS-CBN.

Kinwento ng APO Hiking Society member kung paano sumikat at nanalo sa Halalan 1998 si late Senator Rene Cayetano dahil naging co-host ito ng DZMM program na “Compañero y Compañera”.

“Alan Peter’s dad was given a radio show then sa DZMM. I think it was called Compañero (something like that) that propelled his popularity nationwide,” tweet ni Jim kagabi.

“So his dad cooperated and gained a lot with the help of an ‘oligarch”. How easily you forget, Alan,” aniya pa.

Samantala, pinamu-move on na ng House Speaker ang mga Pinoy sa hatol ng mga mambabatas na huwag bigyan ng panibagong prangkisa ang Kapamilya network.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/cayetano-ulyanin-jim-paredes/)

Walang komento