Recent Posts

Breaking News

Cargo vessel nagliyab sa Batangas

Nagliyab ang isang cargo vessel sa katubigang sakop ng Marikaban Island sa Batangas province.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Armand Balilo, lampas alas-kuwatro ng madaling araw, Lunes, ay nakatanggap sila ng distress call mula sa BRP Tubbataha hinggil sa nasusunog na M/V Moreta Venture.

Kagyat na pumunta ang barko at helicopter ng PCG sa nagliliyab na behikulo.

Naapula ang sunog bandang alas-otso ng umaga, at ligtas naman ang lagay ng lahat ng crew at officer ng M/V Moreta Venture.

Pinatulong naman ng PCG ang ilang barko na malapit sa pinangyarihan ng insidente para mahatak sa pinakamalapit na pantalan ang nasunog na cargo vessel.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/cargo-vessel-nagliyab-sa-batangas5/)

Walang komento