Recent Posts

Breaking News

Buntis na OFW, tanging COVID-positive sa Macau

Isang buntis na overseas Filipino worker ang natatanging aktibong coronavirus case sa Macau.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Dodo Dulay ngayong Miyerkoles, sinabi ito ng mga health official sa Macau.

Binabantayan na aniya nila ang kondisyon ng OFW, na bumalik sa Macau matapos magbakasyon sa Pilipinas.

“A pregnant OFW returning to Macau from a vacation in PH was diagnosed as Covid-positive. Macau PCG reports this is the only active Covid case in Macau at present,” sambit ni Dulay sa Twitter.

“Our consulate is monitoring the condition of our OFW through Macau health authorities,” aniya pa.

Sa ngayon, may kabuuang 46 COVID-19 case sa naturang Chinese special administrative region.

45 sa nasabing bilang ang gumaling at wala pang namamatay roon mula sa coronavirus.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/buntis-na-ofw-tanging-covid-positive-sa-macau/)

Walang komento