Recent Posts

Breaking News

BTS may bagong Guinness

Hindi naawat ng new coronavirus ang pagkamit ng BTS at ARMY ng isa na namang Guinness world record.

“BTS have achieved a new Guinness World Records title for most viewers for a music concert livestream,” ayon sa website ng Guinness World Records, Huwebes.

“756,000 fans from over 100 countries tuned in to the online performance on June 14,” dagdag pa nito.

Ang tinutukoy na online music concert ng Guinness ay ang “Bang Bang Con: The Live,” na ni-livestream nang 100 minuto mula sa isang Seoul studio noong nakaraang buwan.

Ayon sa agency ng BTS na Bit Hit Entertainment, ang laki ng online crowd sa naturang event ay katumbas ng pinagsamang audience sa 15 stadium concerts.

Matatandaang pinagpaliban ng South Korean boy band ang kanila sanang world tour schedule ngayong 2020 dahil sa pandemya.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bts-may-bagong-guinness6/)

Walang komento