Recent Posts

Breaking News

Blackpink may collab kay Selena?

Magtatambal umano sa isang kanta, na ilalabas sa Agosto, sina Selena Gomez at ang K-pop girl group Blackpink.

Ayon sa ulat ng Mydaily, kalahok si Selena sa pangalawang pre-release song ng grupo.

Bagaman nilantad ng Blackpink na magkakaroon sila ng bagong single, hindi nila tinukoy kung sino ang featuring artist.

Hindi rin kinumpirma ng YG Entertainment ang ulat at hiniling na hintayin ng madla ang opisyal nilang anunsiyo na ilalabas kalaunan.

Samantala, naglabas na ngayong araw ang Blackpink ng mga detalye tungkol sa kanilang pinakaunang full album na lalabas sa Oktubre 2.

“[BLACKPINK THE ALBUM] is the First Full album since their debut in 2016, and it is consists of CD, photo books, photo cards, and so on,” ayon sa grupo.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/blackpink-may-collab-kay-selena/)

Walang komento