Recent Posts

Breaking News

Bayan Muna pinalagan tokhang style sa COVID positive

Tinawag na ‘Oplan Tokhang COVID edition’ ng grupong Bayan Muna ang gagawin ng pamahalaan na house-to-house sa paghahanap ng mga taong asymptomatic at mayroon mild symptom ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pangamba nina Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate at Eufemia Cullamat na posible na namang paglabag sa mga kaparatan oras na ipatupad ito.

“Is this move by the Duterte administration Oplan Tokhang CoVid edition? This is a violation of our people’s basic right enshrined in the Constitution. Article III Section 2 states that ‘the right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable,” giit ni Zarate.

Tulad aniya nang ipatupad ng pulisya ang anti-drug tokhang campaign, ay laganap ang pang-aabuso.

Kinuwestyon din ni Zarate kung paano malalaman ng mga pulis kung COVID positive ang isang tao.

“Paano naman malalaman ng pulis na COVID positive nga ang isang tao kung asymptomatic nga o kaya ay mild ang symptoms? May dala ba silang PCR test? Malamang ay manghila na naman sila ng mga tao at dadalhin sa quarantine facilities tapos mali pala,” ayon pa kay Zarate.

Sinabi naman kay Cullamat na ang naturang hakbang ay pagpapakita lamang
ng hindi tamang pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.

“Ayuda ang dapat i-bahay-bahay at solusyong medikal hindi ang paghanap ng asymptomatic o may mild symptoms ng COVID-19 na naka-quarantine na sa bahay,” ayon kay Cullamat.

Maging ang Kabataan party-list ay nabahala sa naturang hakbang ng pamahalaan.

“It is nothing but an invasive policy which will cause an infraction of Filipinos’ rights,” ayon sa grupo kasabay na rin ng panawagan na magkaisa para sa para sa mass testing, trabaho at kabuhayan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/bayan-muna-pinalagan-tokhang-style-sa-covid-positive/)

Walang komento