Recent Posts

Breaking News

Bawal ang impunity! Mga naniniket sa Pasig, tiniketan

Nagsagawa ng surprise inspection sa mga traffic enforcer sa Pasig City kung saan napag-alaman na ang ilan sa mga naniniket, lumalabag din sa batas trapiko.

Sa Facebook post ni Mayor Vico Sotto, Hulyo 7, sinabing may ilang naniniket na nahuling nagmamaneho nang walang lisensya o matagal nang expired ang lisensiya.

Dahil dito, sila na ngayon ang tiniketan at in-impound ang mga sasakyan.

“Sa wikang Ingles, may tinatawag tayong “IMPUNITY” – ang kawalan ng pananagutan para sa mga taong nasa posisyon o kapangyarihan. Hindi tayo papayag na may impunity sa ating mga ranggo,” wika ni Sotto.

“Kung nakagawian dati na exempted ang mga nakauniporme sa batas trapiko, babaguhin natin ‘yan ngayon.”

“Kung tutuusin, mas mataas nga dapat ang standards ng mga kawani ng pamahalaan. ‘Ika nga, alisin mo muna ang troso sa mata mo bago mo sitahin ang puwing sa mata ng iyong kapwa,” ayon pa sa alkalde.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/bawal-ang-impunity-mga-naniniket-sa-pasig-tiniketan/)

Walang komento