Recent Posts

Breaking News

Batas na pahihintulutan si Duterte na ipagpaliban ang pasukan, pirmado na

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magbibigay-kapangyarihan sa kanya para iurong o i-extend ang petsa ng pasukan ng mga estudyante.

Ang Republic Act 11480 ay nag-aamiyenda sa Republic Act 7797 kung saan pinapahintulutan ang Pangulo ng bansa na magre-schedule ng ibang petsa ng pasukan kung may deklarasyon ng state of emergency o state of calamity, batay sa rekomendasyon ng Department of Education (DepEd).

Sa ilalim ng R.A. 7797, ang pasukan ay itinakda sa pagitan ng unang Lunes ng Hunyo at hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto.

Saklaw ng bagong batas ang lahat ng eskuwelahan kasama na ang foreign at international schools.

Pnapayagan din ang Saturday classes para sa elementarya at high school sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.

Inatasan ang DepEd na bumuo ng implementing rules and regulations (IRR) sa loob ng 30 araw matapos maging epektibo ang batas .

Ang bagong batas ay pinirmahan ni Pangulong Duterte nitong Biyernes, July 18, 2020.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/batas-na-pahihintulutan-si-duterte-na-ipagpaliban-ang-pasukan-pirmado-na4/)

Walang komento