Recent Posts

Breaking News

Balik misa sa simbahan pinayagan

Kinumpirma ng isang obispo ng Simbahang Katolika na puspusan na ang kanilang paghahanda sa inaasahang mupagbabalik sa mga simbahan ng mga mananampalataya simula ngayong Hulyo 10, Biyernes.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, pinayagan na ng pamahalaan ang pagdalo sa misa ng mga mananampalataya subalit hanggang 10% lang ng kapasidad ng bawat simbahan na nasa ilalim ng general community quarantine.

Pinasalamatan at pinuri rin ni Pabillo ang desisyong ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID).

“So it’s a good development at ang mga kaparian natin ay naghahanda na para sa July 10 ay maka-accommodate na sila ng 10 percent ng capacity ng simbahan, so it’s a good development congratulations sa IATF na nakita nila ang kahalagahan noon,” ayon kay Pabillo.

Sinabi ni Pabillo, malaki ang diperensya ng 10 indibidwal na dating pinahihintulutan kumpara sa 10% ng kapasidad ng mga simbahan lalo na mayroong iba’t ibang laki at kapasidad ang mga simbahan kung saan maaari pa ring pairalin ang physical distancing.

Tiniyak ng obispo na patuloy nilang susundin at ipatutupad ng Archdiocese of Manila ang mga panuntunan ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkahawa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), kabilang na ang physical distancing, paghuhugas o pag-disinfect ng mga kamay at pagsusuot ng face mask ng mga dadalo sa pagdiriwang ng banal na misa.

Hinikayat din ni Pabillo ang iba pang pang mananampalataya na patuloy na makibagi sa online mass dahil sa limitado pa ring bilang ng mga maaaring personal na dumalo sa mga misa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/balik-misa-sa-simbahan-pinayagan/)

Walang komento