Recent Posts

Breaking News

Balik-biyahe ng provincial bus, inaaral pa

Sinusuri pa ng gobyerno kung maaari na bang tanggalin ang ban sa mga provincial bus sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, binabalanse pa ni Transportation Secretary Art Tugade kung ligtas na bang umuwi sa mga probinsya para masigurong ligtas sa virus.

“Babantayan muna ni Secretary Tugade kung paano natin maa-assure na yung mga uuwi ng probinsya ay safe from COVID,” saad ni Nograles sa dzBB.

Bukod sa kalihim, dapat ding magdesisyon ang mga local government unit dahil sila ang tatanggap ng mga pasahero sa kani-kanilang probinsya.

“Medyo delicate balance pati coordination ang importante dito aniya pa.

Dati nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na papayagan din ang mga provincial bus sa tamang panahon, inuuna muna lamang makauwi ang mga tinuturing na locally stranded individual at mga overseas Filipino worker sa kani-kanilang lugar bago pagdesisyunan ang pag-lift sa provincial bus ban.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/balik-biyahe-ng-provincial-bus-inaaral-pa/)

Walang komento